MAYNILA, Pilipinas – Bilang paghahanda sa Ash Wednesday, sinunog ng mga taong simbahan ang mga palaspas na sumisimbolo raw sa “pitong kasalanan ng mga Duterte.”
Nanawagan din ang religious groups sa Senado na isalang sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte sa lalong madaling panahon. Manganagalap daw sila ng isang milyong pirma para isulong ito.
Panoorin ang ulat ni Paterno Esmaquel II, kuha ni Franz Lopez. – Rappler.com